vitaliano-aguirre
By

Kaso laban kay Peter Lim, mananatili pa ring buhay – Aguirre

Sharing is caring!

Nilinaw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II na nananatilinpa ring buhay at hindi pa pinal ang resolusyon ng kagawaran kaugnay sa kaso na may kinalaman sa illegal drug trade sa Visayas laban kina Peter Lim, Peter Co at Kerwin Espinosa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Aguirre na sa ilalim ng panuntunan sa DOJ, may remedyo pa sa kaso dahil ang resolusyon ay maaring iapela sa pamamagitan ng motion for reconsideration mula sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group.

Sumasalang din umano sa automatic review ng tanggapan ng kalihim ng DOJ ang lahat ng mga nababasurang drug case.

Aminado naman si Aguirre na nakaapekto nang bahagya ang pagbasura ng DOJ sa kaso sa gyera kontra droga, pero ito umano ay dapat na magsilbing panggising sa lahat ng mga ahensyang konektado sa kampanya laban sa droga na maging mabusisi magmula sa pag-aresto, pagpapalabas ng resolusyon sa DOJ hanggang sa pagtiyak ng conviction o hatoo na guilty.

“Suffice it to say that the current status of the case against the respondents Peter Lim et al., does not mean that it is a final exoneration of their respective criminal liabilities. Under our present procedure in the DOJ, there are possible avenues to review this case, either by a motion for reconsideration, or ultimately, by way of automatic review by my office,” saad ng kalihim.

Binigyang diin pa ni Aguire na nananatili ang commitment ng DOJ sa gyera kontra droga.

“The dismissal is a slight bump on the our war against drugs, it is likewise a wake up to all concerned that our efforts, from apprehension to resolution to conviction must be concerted and thorough. However, we remain committed to waging the war on drugs,” pagtatapos ni Aguirre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?