63

Jan 3, 2019 @ 19:35
By

Kaso laban kay Diokno, bahala na ang Ombudsman – Andaya

Ipinauubaya ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., sa Office of the Ombudsman ang pagsasagawa ng motu proprio investigation kaugnay sa mga anomalya sa budget na kinasasangkutan ni Budget Secretary Benjamin Diokno.

Sa panayam kay Andaya matapos ang pagdinig sa Naga City, sinabi nitong may karapatan si Diokno na sagutin ang mga isyu pero matibay na aniya ang mga dokumento at testimonyang nakalap nila.

Maaari na aniya itong maging daan para mismong ang Ombudsman na ang kumilos at magsampa ng kaso laban kay Diokno.

Ayon kay Andaya, magre-request sila ng special fraud audit mula sa Commission on Audit para mapagtibay na may mga kontrata para sa flood control projects na inaaprubahan nang hindi man lang binasa.

Iginiit rin nito na maaaring mapanagot ang may-ari ng CT Leoncio Construction dahil sa nangyaring iregularidad bagama’t naniniwala siyang wala talaga itong kinalaman sa mga transaksyon at nagamit lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?