114

Oct 24, 2017 @ 11:17

Kaso kay ex-DOTC chief Abaya, suportado ni Poe

Sinuportahan ni Senadora Grace Poe ang pagsasampa ng Department of Transportation (DOTr) ng reklamong katiwalian laban kay dating Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya at iba pang opisyal.

Sinabi ng Senadora na dapat lang na panagutin sina Abaya dahil kumontrata ng umano ay palpak na maintenance provider para sa Metro Rail Transit (MRT).

Tinutukoy ang Busan Universal Rail Incorporated (BURI) na kinontrata noon nina Abaya para tumiyak na ligtas ang mga bagon, riles, signalling system at lahat ng kailangan sa operasyon ng MRT.

Nasa P3.8 bilyon ang halaga ng MRT maintenance contract ng DOTR sa Busan Transportation Commission (BTC) pero binuo diumano ang BURI na siyang naging tagapagpatupad ng kontrata sa DOTR.

Ayon kay Poe, bukod sa maanumalya ang pagbibigay ng kontrata, perwisyo ang idinulot nito sa mga sumasakay sa MRT dahil palpak ang serbisyo ng BURI.

“It is high time that the ax falls where it should. The complaint filed against former Secretary Abaya and other officials over the P3.81-billion MRT maintenance contract rests on solid grounds.” Pahayag ni Poe na chairman ng Senate committee on public services na nagsiyasat sa mga kapalpakan sa MRT operations.

Inilagay umano nina Abaya at ng BURI ang commuters sa araw-araw na panganib.

Umano ay hindi ginawa nina Abaya ang tungkulin na siguraduhing maayos na maintenance provider ang BURI habang hindi raw napagtino ng BURI ang serbisyo kaya araw-araw na may aberya sa byahe ng mga tren ng MRT.

“This should not have happened if Secretary Abaya and his men exercised due diligence in checking whether or not BURI was capable of handling such a huge responsibility and in ensuring the safety of the public. These deplorable acts should therefore not be countenanced nor tolerated,” dagdag ni Poe. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?