98

Oct 11, 2021 @ 19:32
By

Kaso ikinasa na vs Jake Cuenca

Kasong disobedience at reckless imprudence ang inihanda ng pulisya laban sa aktor na si Jake Cuenca na nadawit sa aksidente nitong Linggo sa Mandaluyong City.

Matatandaang binangga umano ni Cuenca ang sasakyan ng pulis at imbis na huminto ay tinakbuhan pa ito.

Umabot pa sa punto na pinaputukan ng mga parak ang gulong ng sasakyan ni Cuenca para mapahinto ito, kung saan aksidente pang nabaril ang isang Grab driver.

Nasa kustodiya ng pulisya si Cuenca ngunit ‘di agad nasampahan ng kaso sa loob ng 12 oras kaya’t pinakawalan muna ito.

“He was released [from] custody kasi lumagpas na ang reglementary period of 12 hours since minor [offenses] ‘yung kaso. Kanina po, by way of regular filing, nasampahan ng Disobedience and Reckless Imprudence si Jake Cuenca,” pahayag ni Eastern Police District (EPD) Director Brig. Gen. Matthew Baccay.

“Kahapon ng umaga was supposed to be for inquest pero ‘di natuloy,” dugtong pa niya.

Samantala, iimbestigahan din umano ng PNP ang testimonya ni Paulo Avelino na hindi nakasuot ng uniporme ang mga parak na humabol kay Cuenca.

Si Avelino ang pupuntahan dapat ni Cuenca nang mangyari ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?