40

Jun 18, 2021 @ 15:30
By

Kasing bagal ng pagong! Harden badtrip sa free throw ni Giannis

Hindi itinago ni Brooklyn Nets star James Harden ang kanyang pagkainis sa free throw ni Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo.

Sa Game 6 ng Eastern Conference semifinals, makikita si Harden na napa-react dahil sa sobrang bagal ni ‘Greek Freak’ sa free throw line.

Dati nang natawagan si Giannis ng 10 second violation dahil sa matagal na seremonya nito habang nagpi-free throw.

Sa kanilang serye kontra Miami Heat, naglagay pa ng timer ang NBA on TNT para mabilang kung ilang segundo nagtatagal ang two-time NBA MVP sa charity stripe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?