92

Jul 22, 2021 @ 11:03

Kasikatan ng Ginebra, umabot sa WNBA!

Hindi na talaga ma-reach ang fanbase ng Ginebra San Miguel dahil kahit manlalaro ng WNBA ay certified ka-Barangay din!

Sa Instagram post ni Sydney Wiese, guard ng Washington Mystics, makikita na nakasuot ito ng championship shirt ng Ginebra nang magwagi sa 2020 bubble season.

Makikita din sa post na naka-tag si Ginebra veteran Jared Dillinger.

Sa report ng Spin.ph, napag-alaman na magkaibigan pala sina Dillinger at Wiese, nagkakilala dahil parehas sila ng trainer sa Amerika.

Sinabi rin ni Dillinger na siya ang nagpadala ng Ginebra t-shirt kay Wiese, at sinabi pa ng PBA player na pinapanood ni Wiese ang kanyang mga highlights.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?