gabriel-mendoza
By

Kasapakan ni Barriga, lumanding na sa Pinas

Sharing is caring!

Lumanding na sa Pilipinas si Columbian boxer Gabriel Mendoza para sa inaabangang salpukan nila ni Mark Anthony Barriga para sa IBF minimum weight world title eliminator bilang main event ng Survival Instinctna gaganapin Mayo 13 sa SM North Skydome.

Lumapag Martes ng hapon ang eroplanong sinasakyan ni Mendoza sa NAIA 3. Hindi nito maitago ang pagkasabik sa bakbakan nila ng dating Olympian na si Barriga lalo na’t nakatuntong rin siya sa bansa ng iniidolong si eight-division champion Manny Pacquiao.

“It’s a great pleasure to arrive in the great land of boxing legend Manny Pacquiao,” saad ni Garcia, aktibong sundalo rin sa kanilang bansa.

Kapwa ganado ang dalawang boxer na magkakaroon ng tsansang makatapat si IBF championHiroto Kyoguchi ng Japan sa 105-pound weight class sakaling manalo sa nasabing event.

“My fight against the Filipino, Mark Anthony Barriga means so much to me. The winner will go on to fight the world champion. I want it to be me,”ayon sa Columbian boxer.

Lamang sa eksperiyensya ang Columbian sa kartadang29-5-2, 23 KOs. Gayunman, hindi magpapadaig ang pambato ng Pilipinas na si Barriga (8-0, 1KO) na inspiradong lalaban sa harap ng kanyang mga kababayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?