71
drowning
By

Kasambahay, todas matapos malunod sa outing

Sharing is caring!

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang outing ng isang pamilya matapos na malunod ang isa nilang kasambahay sa isang resort sa lungsod ng Malabon kagabi.

Sa ulat ng Malabon City Police, alas-10:40 ng gabi nangyari ang insidente sa loob ng Costiera Resort na matatagpuan sa Sioson St., Barangay Dampalit ng nasabing lungsod.

Nagbi-videoke habang umiinom umano si Mailin Castillo, 24-anyos, isang tomboy, at kasambahay ng pamilya Fajardo.

Matapos nito ay nagtungo ang biktima sa pool na nasa lagpas 5-talampakan ang lalim.

Ilang sandali pa ay nakita na lamang umano ng kanyang mga kasama ang biktima na nakalutang na sa pool at nang makitang may pulso pa si Castillo ay mabilis nila itong isinugod sa Ospital ng Malabon.

Idineklarang dead on arrival ang biktima sa Manila Central University (MCU).

Agad namang ipinagbigay-alam ng amo ni Castillo na si Flor Fajardo, 45, ang insidente sa pulisya na ngayon kasalukuyan nang nagsasagawa ng pagsisiyasat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?