225

Dec 15, 2017 @ 10:41

Kasambahay sa Visayas, dagdag suweldo ngayong Disyembre

Makakatanggap na ng mas mataas na suweldo ang mga kasambahay sa Western Visayas o Region 6.

Ito ay makaraang aprubahan ng Regional Wages and Productivity Board sa Western Visayas ang P1,500 at P1,000 na umento sa sweldo ng mga kasambahay sa mga lungsod, first class municipality at iba pang bayan sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, ang mga kasambahay na nagtatrabaho sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo at Negros Occidental ay tatanggap na ng P3,500 na sweldo.

Magkakabisa ang bagong wage order sa December 16, 2017 o 15 araw matapos na malathala ang kautusan sa national circulation.

Ito na ang ikalawang Wage Order na inisyu ng Regional Wage Board sa rehiyon para sa mga kasambahay sa kanilang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?