641

Jan 13, 2022 @ 18:47
By

Kasambahay na nagnakaw kay Asec. Libiran nasakote na

Nadakip na ang kasambahay na nanlimas diumano ng mga alahas ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

Bukod dito, natuklasan may iba pang reklamong pagnanakaw laban sa suspek na naka-file sa lalawigan ng Laguna, ayon sa ulat.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagtatago ang suspek na nagngangalang Marilou Morales sa Gueguesangen village, Pangasinan.

Agad namang nagtungo sa presinto si Libiran upang kausapin ang suspek.

Aabot umano sa P1.2 milyon ang kabuuang halaga ng mga alahas na nakulimbat nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?