60

By

Kasambahay kulong sa pagnenok ng alahas

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng isang kasambahay matapos pagnakawan ang kanyang amo ng mga alahas matapos mabuking ng biyenan ng biktima ang ginagawang kalokohan ng suspek sa Barangay Sta. Lucia, Pasig City.

Ayon kay Police Community Precint 6 PSI Gerardo Torres, dinakip nila si Anabel Lutao y Norcio, 26-anyos, housemaid at residente ng Maharlika Compound, Barangay Muzon, Taytay, Rizal matapos ireklamo ng pagnanakaw ng kanyang amo na si Jeffrey Ong, negosyante at residente ng Riverside Village, Barangay Sta. Lucia, Pasig City, bandang alas-siyete, Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Ong na napapansin ng kanyang biyenan ang kahina-hinalang kilos ng suspek hanggang sa mapatunayan ito nang mapansin na nakabukas ang vault na naglalaman ng mga alahas ng asawa nito.

Agad na nagtungo ang mag-biyenan sa PCP-6 para ipahuli ang suspek habang hindi naman nabawi pa ang mga nawawalang alahas na hindi pa matukoy ang halaga.

Kasalukuyang nanakulong ang suspek sa Pasig City detention cell habang inihahanda ang pagdinig sa kasong qualified theft sa City Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?