55

Jun 18, 2020 @ 13:02
By

Kasama ‘yan sa 10 Commandments! Sotto kontra sa ligtas kulong sa libel

Hindi sang-ayon si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa mungkahi ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin na pagmultahin na lang kaysa ikulong ang mga guilty sa libel.

Ito’y reaksyon ni Locsin ukol sa hatol laban kay Rappler CEO Maria Angelita Ressa sa cyberlibel case na hinain ni businessman Wilfredo Keng.

“Let’s decriminalize libel, Senate President Sotto. The money damages alone are far, far, far, far more painful,” saad ni Locsin. “Bankruptcy hurts more.”

Ngunit ayon kay Sotto, hindi umano madaling ma-decriminalize ang libel, at dinahilan pa na paglabag din umano ito sa Ten Commandents na nakasaad sa Bibliya.

“Grandpa was the author of the 1946 Press Freedom Law. Unfortunately, lying (libel) is found in the Ten Commandments,” ayon kay Tito, na pinatungkulan pa ang kanyang lolo na si dating Senador Vicente Sotto Sr.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?