282

Nov 16, 2019 @ 21:24
By

Kasalang Vice-Ion ‘di pabor si Arnell

Kung si Arnell Ignacio ang tatanungin ay hindi niya ia-advice kina Vice Ganda at Ion Perez na magpakasal.

Katwiran ni Arnell, isa sa pinakamasaya sa nature of being gay ay ‘yung kalayaan mo.

“Kung gusto nilang magpakasal, wala namang problema du’n, eh. If that would make them happy. Pero ako, ha? Sa mga kapatid kong gays, alam mo ‘yung pakiramdam na, ‘Teka, nakatali na pala ako!’ na lampas sa pakiramdam mo?

“Eh ang mga bading, ang gusto natin lagi eh ‘yung pakiramdam mo ang on top of it all. Ngayon, kung may external na bagay na nagsasabi na sa ‘yo na you’re together officially, meron siyang epekto na medyo natatalbugan ‘yung natural mong saya. Pananaw ko lang ‘yon, ha?” sambit ng singer-actor-comedian.

‘Pag pumatol ba ang lalaki sa bading, bading na rin ito?

“Naku, wala nang mga ganu’n-ganu’n ngayon. Hindi na ako naniniwala sa gano’n,” sagot ni Arnelli.

So, naniniwala siyang straight si Ion?

“I think so. And nakikita ko naman na gustong-gusto talaga siya (Vice) ni Ion, kasi parang ang saya nito na kasama si Vice. At palagay ko, maalagang tao si Vice.

“Doon napupunan ‘yung ibang hindi mo makikita sa heterosexual relationship.”

Parang ngayon lang nagkaroon ng isang high profile gay na very open on national TV sa relasyon nito sa isang lalaki. At in fairness ay parang tanggap naman ito ng publiko.

Ani Arnell, masaya siya rito bilang proud member ng LGBT community, pero special case daw ‘yung kina Vice at Ion. Hindi raw ibig sabihin nu’n ay mangyayari na rin ‘yon sa ibang gay couples.

Ang advice ni Arnell kina Vice at Ion ay buuin ang relasyon nila na nag-iiwan ng para sa kanila lang at hindi lahat ng ginagawa nila ay kasali ang publiko.

Si Arnell ay hindi na raw naghahanap ng katulad ni Ion. Masaya naman daw siya sa buhay niya ngayon na nasa public service siya at nasa showbiz pa rin.

Ang bongga ni Arnell dahil mukhang title-roler siya sa pelikulang “Damaso”. Sey niya, dalawa silang Damaso rito ni Marlo Mortel, na in fairness ay kinatutuwaan niya, ha?

Buhay pa rin daw kasi hanggang ngayon ang mga karakter na tulad ni Damaso at isa ‘yon sa mapapanood sa musical movie na dinirek ni Joven Tan.

Maraming song numbers dito si Arnelli at feel na feel niya ang mga kinanta niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?