53

By

Kasal sa longtime girlfriend kinumpirma ni Ed Sheeran

Kumpirmadong kasal na si singer Ed Sheeran sa longtime love niyang si Cherry Seaborn.

Unang pumutok ang balitang pagpapakasal nila noong December pero walang sinuman sa dalawa ang nagkumpirma nito.

Sa video interview ni Ed sa Charlamagne The God ng iHeartRadio matapos ang release ng kanyang No.6 Collaborations Project, naitanong sa kanya ang tungkol sa lyric na, “Watch how the lyrics in the songs might get twisted / My wife wears red, but looks better without the lipstick”, na mula sa kantang “Remember the Name” kasama sina Eminem at 50 Cent.

“It was actually before me and Cherry got married and I knew that we’d be married by the point that the song came out. [I thought] Someone’s gonna hear that and be like, ‘Oh, they’re married!’ I didn’t know how that would be construed, but obviously it’s already come out,” sabi niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?