41

May 13, 2021 @ 12:51
By

Kasal nina Tom, Carla binuking ng parokya

Sa Oktubre ay nakatakda ang pag-iisang dibdib nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Ito’y base sa Facebook post ng Parokya ni San Guillermo, kung saan kasama ang ilang detalye sa kanilang kasal tulad ng eksaktong petsa at kung saan idadaos ang kasal.

Kasama din sa post ang buong pangalan at edad nina Carla at Tom, pati ang ilan pang personal na impormasyon.

Paliwanag ni Carla, ang naturang post ay isang ‘wedding bann’ na requirement para makakuha ng wedding permit.

“A WEDDING BANN is a Church requirement for Catholics getting married in any and all Catholic Churches in the Philippines. It is a necessary step to be able to secure a wedding permit,” ayon sa aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?