609

Feb 25, 2020 @ 20:12
By

Kasal nina Matteo, Sarah hindi civil wedding

Kusang-loob na nagpa-interview ang relationship counselor nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli tungkol sa kasal ng dalawa.

Ani Letty Fuentes sa TV Patrol, hindi civil wedding ang nangyaring kasal kundi Christian wedding.

Naganap ito sa Victory Church, The Fort pasado alas-sais ng gabi noong Pebrero 20, 2020.

In-officiate ito ni Senior Pastor Paolo Punzalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?