281

Dec 27, 2017 @ 16:30
By

Kasakiman sa kapangyarihan, ugat ng PCSO controversy – Villarin

Isinisi ni Akbayan Partylist Rep. Tom Villarin sa labis na paghahangad ng kapangyarihan ang bangayan ng mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Villarin, dati pang gustong maging PCSO chair ni Sandra Cam mula nang matalo sa pagka-senador noong eleksyon.

Dahil aniya sa nangyayari, nakikita rin kung paanong gumagana ang reward system sa ilalim ng administrasyong Duterte na mas nabibigyan ng posisyon ang mga loyal kaysa sa mas may kakayahan.

Ang masama sabi ng kongresista, lumilikha naman ng gulo sa gobyerno ang patronage politics.

“It is a feud based on a hunger for power of individuals who see their appointment as a right rather than a privilege to serve our people,” ani Villarin.

“It reveals how patronage politics under Duterte has wrecked havoc on our bureaucracy. So changed has really come for the worst,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?