67

May 24, 2020 @ 17:10
By

Kasado na tanggalan? Mga sisibaking empleyado sa ABS-CBN, malalaman na sa Hunyo

Sa naing pagdinig sa Senado, sinabi ni ABS-CBN President at CEO Carlo Katigbak na sa Agosto ay pag-uusapan na ang retrenchment o pagpapakawala ng empleyado kapag nagtuloy-tuloy pa ang pag-off air ng Kapamilya network.

Ngunit posibleng sa Hunyo ay may mabuo ng listahan ang ABS-CBN management ng mga empleyadong papakawalan dahil sa shutdown ng network.

Ayon sa business news site na Bilyonaryo, isang source ang nagsabi na pagpatak ng Hunyo ay iaanunsyo na ang mga pangalan ng empleyado ng Dos na matatanggal dahil sa pagsasara ng Channel 2 at 23, gayundin ang kanilang radio station na dzMM at MOR 101.9.

Hindi pa batid kung magkano ang matatanggap na compensation ng mga tatanggaling empleyado, ngunit base sa source ay ibabase ito sakaling hindi na muling ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Bibigyan umano ang mga empleyadong tatanggalin ng dalawang buwan na palugit para maubos ang kanilang mga leave credit, karamihan umano sa mawawala ay mula sa broadcast engineering staff.

Matatandaan na dapat sana’y pag-uusapan sa Kamara ang pagbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN hanggang Oktubre 2020, ngunit bigla itong binawi ni House Speaker Alan Peter Cayetano at sinabing sisimulan na lang ang pagdinig para sa 25-year franchise renewal ng network.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?