503

Apr 22, 2019 @ 14:21
By

Kasabwat raw ni ‘Bikoy’: Rappler, Vera Files sinasangkot sa Oust Duterte plot

Isang matrix ang lumutang na nag-uugnay sa ilang media entity para sa umanong hangarin, ang mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa report ng Manila Times, nakakuha umano ang pahayagan ng matrix kung saan makikita ang sanga-sanga ng pagkakaugnay ni Ellen Tordecillas, presidente ng Vera Files; Rappler, Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at National Union of People’s Lawyer sa ilang mga video na kontra sa mga malalapit kay Duterte.

Base sa matrix, lahat ng mga nabanggit na organisasyon ay konektado kay Bikoy, ang boses sa likod ng ‘Ang Totoong Narco List’, na galing umano sa metrobalita.net, ayon sa IP address.

Sa isa pang diagram na may head na ‘Link Analysis of Email foot prints’ ipinakita ang pagkakakonekta umano ng Youtube link ng video ni Bikoy na in-upload mula sa angtotoongnarcolist@gmail.com, na ginamit umano para maka-log in sa verafiles.org ni Tordecillas.

Saad pa ng source ng Manila Times, ang black propaganda na ginawa ni Bikoy, hindi pinangalanan ang tunay na pagkakakilanlan sa matrix, ay ibinibigay umano ang mga materyales ni Tordecillas sa Rappler, PCIJ at NUPL.

Matatandaan na may alitan sa pagitan ng Rappler at ng administrasyon dahil sa samu’t saring kaso na isinampa kontra sa CEO nito na si Maria Ressa, habang kinuwestiyon naman ng Palasyo ang paglalabas ng PCIJ ng report kung saan lumobo umano ang yaman ng pamilya ni Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?