134

May 14, 2021 @ 20:35
By

Karylle na-shock sa buhok ni Zsa Zsa

Nagulantang si Karylle sa buhok ng kanyang mommy na si Zsa Zsa Padilla.

Sa kanyang Instagram ibinahagi ni Karylle ang screenshot kung saan makikitang napanganga siya sa blondie nang si Zsa Zsa.

“Who is she?! A new day. A new mom,” caption ni Karylle.

Sabi ni Zsa Zsa, bet niya sanang magpagupit pero nagbago ang isip niya at nagpalit na lamang siya ng kulay ng kanyang hair, na inabot daw ng limang oras.

“Thought of cutting my hair but changed my mind so I just changed my hair color. Took 5 hours and 2 movies on my iPad. Let’s see if I’ll have more fun,” sey ni Zsa Zsa.

Kabilang sa humanga sa buhok ng singer sina Gary Valenciano at Kuya Kim Atienza.

garyvalenciano: “WOW ZSA!!!!!!”

kuyakim_atienza: “madonna.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?