261

Dec 24, 2017 @ 13:34

Karpinterong umihi sa pader, arestado

Nang dahil lamang sa pag-ihi sa pampublikong lugar, inaresto ng operatiba ng Sta. Cruz police Community Precinct 3 ang isang karpintero noong Sabado ng gabi.

Nabatid na habang nagpapatrulya sa kahabaan ng Quezon Blvd sa Quiapo, Maynila ang mga pulis sa pangunguna ni SP01 Roderick Kabigting ay naaktuhan nila si Baldwin Tangog, 47 anyos habang umiihi sa pader ng Quezon Bridge na isang paglabag sa Section 1054 (urinating in public place).

Binitbit ang suspek sa Plaza Miranda PCP para mai-blotter at masampahan ng paglabag sa nabanggit na Ordinansa ng Lungsod ng Maynila.

Paalala naman ng mga awtoridad sa publiko lalo na sa mga kalalakihan na huwag gawing pambansang toilet ang mga pader o kalsada dahil Labag Ito sa umiiral na ordinansa ng Lungsod.

Maliban sa masama tingnan, sinabi ni SPO1 Kabigting na magdudulot din ng di-kaaya-ayang amoy ang pag-ihi sa pampublikong lugar na maaring maging sanhi ng sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?