bomb
By

Karpintero sugatan sa sumabog na bomba sa Baclaran

Sharing is caring!

Sugatan ang isang karpintero matapos sumabog ang isang vintage bomb sa isang construction site sa Brgy. Baclaran, Parañaque City ngayong hapon, Disyembre 6.

Kinilala ang biktima na si Randy Manalo, 30-anyos.

Ayon kay Southern Police District Director, Chief Supt. Thomas Apolinario, nagsasagawa ng excavation sa G. Cruz St., ang isang contractor sa lugar nang mahukay ang 1936 model landmine.

Nang aalisin na ang bomba ay tumulong si Manalo sa pagbubuhat ngunit bigla itong sumabog kaya’t nasugatan ang karpintero.

Agad isinugod sa Sta. Rita Hospital ang biktima, habang nagsagawa na ng post blast investigation ang mga tauhan ng SPD-Bomb Disposal Unit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?