46

Oct 4, 2019 @ 13:39

Karpintero patay nang mabundol ng Chinese

Todas ang isang karpintero matapos siyang suwagin ng isang Chinese national habang papasok sa kanyang trabaho sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan noong Huwebes.

Kinilala ni Sta. Ana Police Station officer P/Staff Sgt. Romuel Legazpi ang biktima na si Rudyvin Ragasa, 37, taga-Barangay San Vicente ng nasabing bayan.

Sinabi ni Legazpi, binabagtas umano ng biktima gamit ang kanyang motorsiklo ang kalsada sa nasabing bayan nang bila siyang araruhin ni Yang Guang, 25, isang Chinese national, na nagtratrabaho sa nasabing bayan.

Depensa ni Guang, hindi niya napansin ang biktima sa kanyang harapan sanhi ng kanyang pagkakabangga kay Ragasa.

Sinabi ng ilang nakasaksi sa insidente, na sobrang bilis umano ng Chinese national kung kaya’t hindi niya napansin ang kasunod na motorsiklo.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ng ilang metro mula sa crime scene and biktima at nagtamo ng mga malalalim na sugat sa katawan at bone fracture sanhi ng kantang pagkamatay.

Samantala, nagkasundo na umano ang pamilya ng biktima at si Guang na sasagutin ng Chinese ang mga gastusin sa ospital at pagpapalibing sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?