188
dead
Nov 13, 2018 @ 11:57
By

Karo inararo, bangkay sa ataul tumilapon

Sumalpok ang isang 12-wheeler truck sa isang karo na may sakay na bangkay sa Quezon City, Martes ng gabi.

Ayon sa awtoridad, dapat sana’y ihahatid ang ataul na may lamang katawan ng yumao sa burol ngunit sa kalunos-lunos nan insidente, napalabas ang bangkay sa loob ng ataul kaya naging maingat ang mga rumesponde sa pagsaayos ng katawan nito.

Sugatan naman ang dalawang sakay ng karo na sina Philip Iwata, ang drayber, at si Anthony De Guzman.

Dahil sa nasabing aksidente, nagkaroon ng mabigat na trapiko sa Quezon Avenue at Roosevelt Avenue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?