133

Jan 7, 2020 @ 9:09
By

Karne na positibo sa ASF nadiskubre sa QC supermarket

Tumanggi si Quezon City Mayor Joy Belmonte na pangalanan ang isang malaki at kilalang supermarket sa lungsod na nakumpiskahan ng mga karne ng baboy na positibo sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Mayor Belmonte, ayaw niyang pangunahan ang Department of Agriculture (DA) at ito na umano ang bahalang maglabas ng pangalan sa nasabing supermarket.

Ibinase lang aniya niya ito sa resulta ng isinagawang laboratory test mula sa Bureau of Animal Industry.

Magugunitang sinuspinde ni Agriculture Secretary William Dar at pinatawan ng sanction ang North Star Meat Merchants, Incorporated matapos na madiskubreng kontaminado ng ASF ang kanilang mga meat product.

Naglabas agad ng statement ang North Star at sinabing nakikipagtulungan na umano sila sa DA para sa implementasyon ng bio-security protocols kabilang ang pagdi-dispose ng mga apektado nilang meat products.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?