14

Jul 19, 2021 @ 20:33
By

Karne na inimbak lang sa yelo delikado sa bacteria

Nagbabala ang Bureau of Animal Industry (BAI) laban sa paggamit lamang ng yelo para itago ang mga poultry product.

Ayon kay BAI Director Reildrin Morales, maaaring malantad sa bacteria ang mga karne kung hindi iiimbak nang maayos sa mga chiller o refrigerator.

“‘Yung thawed ‘yung karne, nakatiwangwang. ‘Yun po ‘yung hindi natin gusto na mangyari. Kapag nag-thaw ‘yan prone po ‘yan sa bacteria, possible bacterial or introduction of pathogens,” saad ni Morales sa “24 Oras” report.

Kaugnay nito, bumili na ang Department of Agriculture ng may 2,500 chillers para ipamahagi sa mga vendor sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?