70

By

Karma! Kelot nanakawan si tropa, hulog sa 8th floor

Isang 25-anyos na lalaki ang namatay matapos looban ang apartment ng kanyang kaibigan sa Singapore.

$7,000 na halaga ang umano’y kukunin ng lalaki, ngunit ng patakas na ito ay biglang inatake sa puso.

Dumaan sa kitchen window ang magnanakaw, kaya’t nang magka-cardiac arrest ay diretsong bumulagta sa malamig na sahig.

Naisugod pa ito sa ospital, ngunit idineklarang patay isang oras lang ang nakararaan.

Ayon sa biktima na pinangalanang Mr. Lim, nawawala umano sa kanyang bahay ang isang gold chain na may amulet, cellphone, at ilan pang mga ari-arian ang nawawala.

Isa pa sa mga napapansin ni Lim ay ang pagbawas ng kanyang pera sa tuwing bibisita sa kanyan ang kaibigan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?