341

Oct 25, 2020 @ 14:35
By

Karma is real! Talunang Miss U candidate may pasabog

Nakoronahan na ang bagong Miss Universe Philippines 2020, ngunit simula pa lang ng pasabog na papasingawin ng representative ng Taguig City.

Maraming mga netizen ang naintriga sa Instagram story ni Miss Universe Taguig Sandra Lemonon kung saan sinabi nitong may malakasi siyang ilalantad matapos ang kompetisyon.

“Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news,” sey ni Lemonon. “It’s time to be honest & speak facts.”

“The truth always comes out. It’s just about timing. Karma is real,” saad pa nito na humihingi rin ng hustisya.

Hindi naman binanggit ni Lemonon kung tungkol ito sa Miss Universe, ngunit may ilan netizen na ang tingin ay patama ito sa bagong 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ng Iloilo.

Paratang ng ilang netizen, ang naturang ilalantad ni Lemonon dahil sa umano’y pagdala ni Mateo ng kanyang sariling make-up artist sa kompetisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?