92

Oct 8, 2021 @ 15:56
By

Karla Estrada umanib sa ‘pumatay’ sa ABS-CBN binira

Hindi natuwa ang mga netizen sa pagsama ni “Momshie” Karla Estrada sa isang party-list group na kabilang sa nagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN.

Si Estrada ang ina ni actor Daniel Padilla at ikatlong nominee ng Tingog party-list.

Pinamumunuan ni Rep. Yedda Marie Romualdez ang Tingog, na kabilang sa 70 mambabatas na bumoto na huwag bigyan ng prangkisa ang Kapamilya Network noong July 2020.

Kasama si Estrada na naghain ng Certificate of Nomination and Acceptance ng partido sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Hotel sa Pasay City nitong huling araw ng paghahain ng kandidatura.

Ayon sa netizen na si @sxshaaaa, sa anak ni Estrada na isang Kapamilya actor ang balik ng naging desisyon nitong umanib sa Tingog party-list kaya naman umingay sa Twitter ang #WithdrawKarlaEstrada.

“Just letting you know, kina Kathryn at Daniel ang balik niyan. Lalo na sa anak mo. The fans already had enough of bardagulans from 2016 elections. We don’t need a 2022 version of that,” aniya.

Sambit naman ni @lollipopsodapop, “ABS-Cbn gave you a job. Revived your career, gave you opportunities and in return you chose to run under a partylist who killed your franchise. The irony Ms. Karla?”

Maging ang ilang fan ng KathNiel ay binira ang pagsama ni Estrada sa Tingog party-list.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?