207
Karla Estrada may ka-LDR
Feb 17, 2019 @ 17:36
By

Karla Estrada may ka-LDR

Sa naganap na press conference ng pelikulang Familia Blondina inamin ni Karla Estrada na nasa isang long distance relationship ito dahil kasalukuyang nasa Colorado, California ang boyfriend ngayon.

“Ngayon medyo aabutin muna ng tatlong taon bago bumalik. Kasi doon may bagong negosyong tinayo,” saad ni Karla Estrada.

Ayon kay Karla, bago sa kaniyang ang ganitong sitwasyon kaya hindi nila nilalaliman ang kanilang pagmamahalan.

“Bago ‘to sa akin. Kaya sabi ko, walang masyadong expectations, hindi ko nilalaliman ang pagmamahalan, ang layo e,” saad ni Karla.

Kwento nito, alam umano ng kaniyang anak na si Daniel Padilla ang tungkol sa kaniyang karelasyon.

“Alam niya kasi nakasama ko na ng matagal yung tao na ‘yon, we’ve been together for seven years.”

Aminado ito na hindi talaga makwento pagdating sa usaping pag-ibig basta ang mahalaga umano para rito ay masaya siya may lovelife man o wala dahil nasa maayos na estado ang kaniyang buhay at ang kaniyang mga anak.

Bibida ang aktres sa bagong pelikula na Familia Blondina na ipalalabas sa Pebrero 27.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?