Nagtaka ang mga netizen sa cryptic post ni Karla Estrada sa kanyang social media account.
Sa Instagram, ibinahagi ni Karla ang larawan kasama ang kanyang co-host sa “Magandang Buhay” na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.
May caption kasi ito na: “Happy to see you my Momshies!!! Ang Pamamaalam… ABANGAN!”
Matatandaang pansamantalang hindi napanod si Karla sa naturang morning talk show dahil sa kanyang pangangampanya.