50

Jul 28, 2021 @ 10:43
By

Karl Towns bumisita sa training ni Pacquiao

Bumisita ang NBA player na si Karl-Anthony Towns o “KAT” sa isinasagawang training ni Senator Manny Pacquiao sa Los Angeles, California para sa nalalapit nitong boxing tournament.

Nagbigay pa ng jersey ang Minnesota Timberwolves star sa Pambansang Kamao at tila nag-fanboy matapos niyang magpa-picture.

“Look what the “KAT” brought into @WildCardBoxing1 ? @Timberwolves @KarlTowns visits @MannyPacquiao and brings him a jersey.”

Ayon sa tweet, manonood din ang basketbolista sa nalalapit na laban ni Pacquiao at Errol Spence na gaganapin sa Agosto 21 sa T-Mobile Arena, Las Vegas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?