2,088
Karina Bautista PBB OTSO
Jan 29, 2019 @ 12:37
By

Karina Bautista kumpirmadong nakipaghiwalay dyowa

Kinumpirma ni Karina Bautista, isa sa PBB Otso Big 4, ang naganap na paghihiwalay nila ng kaniyang non-showbiz boyfriend na si Christian Dronio.

Sa interview sa kaniya sa ‘Gandang Gabi Vice’ ay nilinaw nito ang estado ng kanilang relasyon ni Dronio.

Sagot niya nang kinumusta ni Vice Ganda ang kanilang relasyon ay magkaibigan na lamang aniya silang dalawa.

Paglilinaw pa ni Bautista, nag desisyon silang maghiwalay ng dating boyfriend upang makapag-soul searching matapos ang mga pinagdaanan nilang dalawa nang pumasok si Bautista sa ‘Bahay ni Kuya’.

Kamakailan lamang ay nagtapat ng nararamdaman si Bautista sa housemate na si Aljon Mendoza sa kabila ng kaniyang apat na taong relasyon kay Dronio na naging dahilan upang gumawa si Dronio ng video kung saan ay ipinahayag nito kung gaano siya nasaktan sa ginawa ng dating nobya.

(Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?