342

Jun 18, 2021 @ 17:24
By

Kargador paandar ni Panelo pinagkatuwaan

Viral sa social media ang mga litrato ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo habang may pasan-pasang sako ng bigas.

Nakasuot din si Panelo ng asul na damit na may naka-print na mukha niya sa harapan at mga salitang “Pan Sen Mo”.

Sa likuran naman ay mababasa ang mga salitang Sec Salvador “SAL” Panelo.

“Kailanman ay walang maliit na ayuda. Gumagaan ang bigat sa simpleng malasakit sa kapwa,” caption ni Panelo sa Facebook post ng pagtulong niya sa pamamahagi ng bigas sa Nueva Ecija.

Hinala tuloy ng mga netizen ay nagpapakitang-gilas na si Panelo sa pagtakbong senador sa 2022 elections.

“It is election time next year for senator so it is showtime! More politicians will come out to give you even heaven, dating gawi!” sey ng isang netizen.

“Wow malapit na election kaya lahat papasikat na..kunwari nagbubuhat ng mabigat nakikipag kamay sa mahihirap,kumakain ng naka kamay,nagtatrapik ,lahat gagawin para lang mapansin sila…mga Plastic magpaka totoo po kayo kahit hindi election gawin nyo ang nararapat at kabutihan sa kapwa hindi puro pasikat lang!!! tamaan Sapul!!!” sabi ng isa pa.

“Iba tlg pg mlpit na ang election ngpprmdam na,” reaksyon pa ng netizen.

“Iba talaga sa Pinas. Un mga pulitiko nagiging kargador..” dagdag pa nila.

Ilan naman ang nagbiro na maghanda na ng gamot at baka sumpungin ng sakit ng katawan ang opisyal.

“Ihanda ang Flanax baka magka Rayuma..”

“Alaxan FR 3x a day. Sana di nag kalasog lasog bones niya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?