119

Aug 25, 2019 @ 12:01
By

Karera para sa nasalanta ng lindol sa Batanes kasado

Inaasahang susuportahan ng bayang karerista ang pakarera ng Philippine Racing Commission,(Philracom) ngayong Linggo, Agosto 25, sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa 12 nakahain, lima ang “Philracom Sponsored Charity Race” kung saan ang makikinabang ay mga biktima ng lindol sa Batanes at Philippine Foundation for Health and Development Inc. (PHFDI) na ilalarga sa Race 2.

Siyam ang kalahok sa nasabing PFHDI race, markado ang kabayo ni top owner Narciso O. Morales na si Fort McKinley na rerendahan ni class B rider Jericho Serrano.

Nakalaan ang added prize na P20,000 para sa winning horse owner sa event na may 1,300 meters.

“Sa ganitong paraan makatulong kami sa mga naging biktima ng lindol sa Batanes, kahit palagi akong nagtatampo sa karerahan alam niyo na kung bakit eh, basta sa pagtulong ay susuportahan ko ang pakarera ng Philracom,” saad ni Lorenzo Gumban, karerista na noong panahon pa ng mga sikat na kabayong sina Fair ‘N Square at Skywalker.

Ang iba pang mga kalahok ay sina Speak Easy, Tool Of Choice, Suberbia, I Love Jane, Sweat Dreams, Sky Scrapper at Ava Jing Pot Pot.

Pakakawalan naman ang ibang tampok na karera sa Race 3, 4, 5 at 8.

May carry over na P1,601,692.41 sa Winner Take All na mag-uumpisa sa Race 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?