546

Feb 28, 2020 @ 12:28
By

‘Karera ng tao’ lumalaganap

Nauuso ngayon ang “karera ng tao” sa Tondo, Maynila, na ayon sa mga awtoridad ay pinagpupustahan online.

Ang siste, may dalawang runner na nakapaa ang magpapaunahan sa pagtakbo sa maiksing lugar.

Kadalasan itong dinaraos sa gabi, at sa mga main road tulad ng Abad Santos Avenue at Juan Luna Street.

Saglit lang kung maganap ang mga karera na nakakaperwisyo rin sa daloy ng trapiko dahil sa kumpol ng mga manonood at hinaharangang mga daanan.

Hanggang paninita lang ang kayang gawin ng mga awtoridad dahil walang kaso ng pagsugal kung hindi masasaksihan ang bigayan ng pera.

Unang nakita ang mga video ng karera sa gaming Facebook group “KNT KARERA NG TAO🏆🥇🐆 PALAKPAK LNG HAPPY NA👍🏻,” na ginawa nitong Lunes, Pebrero 25.

Noong una’y naka-public ito ngunit ngayong Biyernes, naka-private na.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa madla na huwag tangkilikin ang anumang uri ng sugal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?