203

Oct 13, 2021 @ 19:43
By

Karen viral sa dahon

Pinag-usapan muli ang broadcaster na si Karen Davila dahil sa unang araw ng pagbabalik niya sa “TV Patrol” ay nagkaroon agad ng nakatatawang eksena.

Nasapol kasi sa mukha ng lumipad na tuyong dahon si Karen habang nakaere ang programa dahil wala siya sa loob ng studio at habang nagsasalita ang mga kasama niyang sina Henry Omaga-Diaz at Bernadette Sembrano.

Sa kanyang social media ay nag-react si Karen, “Literally turning a new leaf [leaf emoji]. Mahangin lang talaga sa labas lol,” aniya.

Ang pagbabalik niya sa “TV Patrol” ay matapos magpaalam ni Noli de Castro para sa kanyang pagkandidatong senador pero umatras din.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?