88

Nov 20, 2021 @ 18:08
By

Karen, Lyca sabay nagdiwang ng birthday

Matapos magkagulatan na pareho sila ng petsa ng kaarawan, sabay nagdiwang ng kanilang espesyal na araw sina Karen Davila at Lyca Gairanod ngayong Sabado.

Bagamat bukas, Nobyembre 21, pa ang kaarawan nila, advance ang naging celebration ng dalawa, na ilalabas umano ni Karen sa kanyang vlog.

Matatandaang sa vlog din ni Karen nagkaalaman ang dalawa na magka-birthday sila – at nagviral pa ito – partikular ang ‘gulat pose’ ng broadcaster nang sabihin ni Lyca na pareho sila ng kaarawan.

At dahil nag-viral, inulit ng dalawa ang ‘gulat pose’ sa isang Instagram post ni Karen ngayong Sabado.

“OMG!! It’s our BIRTHDAY! It’s happening! Super thank you guys for making our birthday a viral consciousness lol. Sa lahat ng November 21 – we celebrate with you!” saad ni Karen sa caption.

At dahil nagkabukingan sila ng kaarawan ilang buwan ang nakakaraan ay inabangan din ng mga netizen ang Nobyembre 21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?