27

Nov 23, 2021 @ 17:05
By

Karen, Lyca nagpamudmod biyaya sa birthday

Sa gitna ng selebrasyon ng kanyang ika-51 kaarawan nitong Nobyembre 21 ay nagbahagi si Karen Davila ng maagang pamasko sa ilang residente ng Tanza, Cavite, kasama ang ka-birthday niya na si Lyca Gairanod.

Matatandaang inabangan ang kaarawan ni Karen dahil sa ‘meme’ mula sa isa niyang vlog kung saan nadiskubre niyang pareho sila ng kaarawan ni Lyca.

Kaya naman sabay ding nag-celebrate ang dalawa, kung saan pinasaya nila ang ilang taga-Tanza.

“Lyca turned 17. I turned 51. How did we spend our birthday?! Giving & sharing love in Tanza, Cavite,” saad ni Karen sa kanyang Instagram post.

Bukod kay Lyca, nakasama rin ni Karen ang kapwa broadcaster na si Gretchen Ho, na kilala sa kanyang programa na pagbibigay ng bisikleta,

“This year, we gave away 45 bikes sa mga kababayan nating construction worker, factory worker, fish vendor, scrapper, pintor, hospital & barangay staff, gasoline boy at iba pa! These bicycles will help them get to work, help them save more than P1200 a month sa pamasahe… at makakatulong sa pag-nenegosyo!” kwento pa ni Karen.

Bukod umano sa mga bisikleta ay nagpamudmod din sila ng mga smartphone at pocket wifi para sa ilang kaibigan ni Lyca na sasabak sa online class.

“All in all – we made 55 recipients happy during our birthday. We couldn’t have celebrated it in a more meaningful way,” wika pa ni Karen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?