159

Nov 5, 2017 @ 11:47

Karen Ibasco wagi sa Miss Earth 2017

Naiuwi ng pambato ng Pilipinas na si Karen Ibasco ang unang korona ngayong taon matapos pagwagian ang Miss Earth 2017 na ginanap sa MOA Arena Sabado ng gabi.

Si Ibasco, nag-aaral ng applied physicis at medical physics sa University of Santo Tomas, ay kinoronahan ni outgoing queen Katherine Espin ng Ecuador.

Sa final question, tinanong ang mga kandidata ng “Who or what do you think is the biggest enemy of Mother Earth and why?”

Ang isinagot ni Ibasco:

“I believe that the real problem is not climate change. The real problem is us, because of our ignorance and apathy.

What we have to do is to start changing our ways, to start recalibrating our minds and redirecting our steps.

Because together as a global community our micro efforts will have a macro effect to help save our home, our planet”.

Samantala, nasungkit naman ni Filipino-Australian beauty queen Nina Robertson, Miss Earth Air habang sina Juliana Franco ng Columbia ang kinoronahan bilang Miss Earth Water at Miss Earth Fire naman si Lada Akimova ng Russia.

Ito ang pang-apat na bases na nagawi ang Pilipinas sa Miss Earth pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?