306
Karen Gallman
Jan 27, 2019 @ 0:38

Karen Gallman waging Miss Intercontinental 2018!

Sinungkit ni Karen Gallman ang kauna-unahang Miss Intercontinental crown para sa Pilipinas.

Ang Fil-Australian beauty queen ang itinanghal na Miss Intercontinental 2018, kinuha ang korona mula kay Veronica Salas Vallejo ng Mexico.

Kanyang nakaharap ang pambato ng Costa Rica na tumapos bilang 1st runner-up, Slovak Republic bilang 2nd runner-up, Colombia bilang 3rd runner-up, Vietnam bilang 4th runner-up at Ethiopia bilang 5th runner-up.

Ginanap ang beauty pageant sa Mall of Asia Arena nitong Sabado, Enero 26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?