45

Jan 7, 2022 @ 15:29
By

Karen Davila, pamilya nadale ng Covid 19

Hindi naka-iwas sa bagsik ng COVID-19 si Karen Davila maging ang pamilya nito.

Ayon kasi kay Karen, nagpositibo sila ng kaniyang pamilya limang araw na ang nakalilipas.

Sa Instagram inanunsyo ni Karen ang tungkol sa kanilang kalagayan.

“Many of you have asked why I wasn’t on TVPatrol for our free TV @a2zchannel11 launch. Five days ago, our family tested POSITIVE for COVID-19. Our 14 yr old son Lucas first tested positive on antigen and we immediately took an RT PCR test as a family,” pahayag ni Karen sa Instagram.


Nakararanas din umano sila ng mild symptoms kagaya ng lagnat; pangangati at tila bukol sa lalamunan; at fatigue.

Mabuti na lang daw at fully vaccinated na umano silang lahat at may ilang nakatanggap na rin ng booster shot sa kanilang pamilya.

Samantala, pinaalalahanan ni Karen ang publiko na magpabakuna at booster shot dahil epektibo ito.

“GUYS. The vaccines work! We are living proof. Get your shots. Get your boosters NOW. Do this out of love for yourself & your family this 2022,” paalala ni Karen. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?