10,749

By

Karen Davila binastos si Pacman?

Hindi nagustuhan ng ilang netizen ang paraan ng pagtatanong ng broadcaster na si Karen Davila kay Senator Manny “Pacman” Pacquaio sa kaniyang programa sa ABS-CBN News Channel (ANC).

Sa naturang programa ay tinanong ni Karen Davila si Manny Pacquiao kung sang-ayon ba ito sa madalas itanong sa mga election debate ngayon, na kailangan ang college degree sa pagkandidato.

“Palagay niyo ba kailangan ng college degree para sa isang senador?; college degree para sa isang pangulo?; sang-ayon ka ba dun Manny?” tanong ni Davila kay Pacman.

“Sa akin ay, sang-ayon naman ako dun…” sagot naman ni Pacman.

“Pero kung ganon baka hindi ka na mag qualify?” muling tanong ni Davila na agad namang sinagot ni Pacman na nag-aaral naman umano ito.

Saad ni Pacman nag-aaral aniya siya sa kolehiyo at malapit nang magkaroon ng degree.

Tinanong man ni Davila si Pacman kung saan ito nag-aaral ay hindi sinagot ng tuwiran ni Pacman ang tanong nito.

Tanging saad ni Pacman, nag-aaral ito sa Manila at aniya, sikreto muna ito.

Ikinainis ng mga nakapanood na netizen ang ginawang di umano’y pamimilit ni Karen Davila na sabihin ni Pacquaio kung saan ito nag-aaral.

Saad pa ng ilan, ‘educated but not well mannered’ umano si Davila.

Samantala meron din namang netizen na nagsabing hindi naman aniya binastos ni Karen Davila si Pacquaio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?