24

‘Karding’ lumabas na ng Pinas, ulan magpapatuloy dahil sa habagat

Sharing is caring!

Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm “Karding”, ayon sa the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Kaninang alas-11:00 ng umaga umalis ng PAR si Karding sa bilis na 25 kilometers per hour (kph).

Huling namataan si Karding 905 kilometro northeast ng Basco, Batanes at kumikilos northwest taglay ang lakas na hanging aabot sa 75 kph at pagbugsong 90 kph.

Sabin g Pagasa, bagama’t nakalabas na ng PAR si Karding, palalakasin pa rin nito ang habagat na maghahatid ng malakas na pag-ulan sa maraming lugar sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?