23

Oct 12, 2020 @ 17:52
By

Karate moves! Faundo pinatumba si Chua

Nakalusot sa posibleng foul ang ginawang ‘karate move’ ni Brian Faundo ng Meralco kontra kay Phoenix Super LPG center Justin Chua.

Sa tweet ng PBA, tila highlight lang ng magandang tres ni Phoenix star Matthew Wright ang mapapansin para itarak ang ika-17 point lead ng kanilang koponan.

Ngunit kung itutuon ang atensyon sa ilalim ng basket ay makikita ang ginawang pagpapatumba ni Faundo kay Chua.

Ito’y kasunod ng boxout play ng dalawa sakaling magmintis ang tira ni Wright.

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?