27

Oct 18, 2020 @ 15:02
By

Karapatan ‘yon! Pagra-rally mali sa student module, CHR umalma

Bagaman magandang ituro sa kabataan ang pagrespeto sa batas, mahalaga rin na paunlarin ang kanilang kritikal na pag-iisip lalo kapag tungkol sa mga pambansang isyu na nakaaapekto sa atin.

Ito ang pahayag ni Commission on Human Rights (CHR) spokesperson Jacqueline de Guia hinggil sa kumalat sa social media na Grade 12 Media and Information Literacy module na mula umano sa Department of Education (DepEd) na tutol sa pagpoprotesta.

Sa nasabing module, may guide question na, “Kung bibigyan ka ng pagkakataon, sasali ka ba sa rally na ito? Bakit o bakit hindi?”

“Hindi” ang tamang sagot, batay sa nakasulat sa module, dahil “the government has really doing their best for all the Filipino people and their constituents.”

Pinunto ng mga netizen ang grammar error sa sagot, at gaya ng CHR ay tinuligsa ang mismong dapat na sagot.

“While respect for the law is a good value to teach, it is equally important to develop among our children critical thinking, especially when it comes to issues that affect us, not only personally, but as well as those national in scope,” sambit ni de Guia, Oktubre 17.

Ayon sa CHR, hindi lang nakukulong sa pagsunod sa gobyerno ang pagmamahal sa bayan. Dapat din anilang tandaan na ang mga kalayaan natin ngayon ay bunga ng mga pakikipaglaban ng ating mga ninuno.

“Love for one’s country is not limited to mere obedience, but can also be manifested through collectively tackling issues of our communities and the country under the guidance of rights entitled to us and protected by the Constitution, including the people’s right to freedom of speech, of expression, the right of the people peaceably to assemble, and petition the government for redress of grievances,” sabi ng CHR spokesperson.

“We stress that our current freedoms that we enjoy today are fruits of past struggles. Instead of discouraging dissent, it would be better to demand better services and accountability from the government and its officials as part of their duty to respect, protect, and fulfill the rights of all,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?