223
Nene Pimentel
Oct 20, 2019 @ 18:01
By

Karapatan pinagpugayan si Nene Pimentel

Nakidalamhati rin ang militanteng grupong Karapatan sa pagkamatay ng yumaong Senador Aquilino “Nene” Pimentel, Jr. na tagapagtanggol umano ng mga karapatang-pantao at pambansang soberanya.

“With the passing of former Senate President Aquilino “Nene” Pimentel, Karapatan is one with the Filipino people and his family in paying tribute to a public servant who has stood for human rights and national sovereignty,” saad ni Karapatan Secretary-General Tinay Palabay sa Facebook.

“We thank Ka Nene for his service to the Filipino people, as we battle with the current challenges to people’s rights and democracy,” dagdag nito.

Inalala ng grupo ang pagiging parte ni “Ka Nene” sa “Magnificent 12 senators” na pumabor sa pag-alis ng mga base militar ng US sa bansa, at tumutol sa ratipikasyon ng US-RP Visiting Forces Agreement.

Marin din umanong tumutol si Pimentel sa mga paglabag sa karapatang-pantao na dinulot ng batas militar ni Marcos, maging sa Human Security Act.

“He stood against the atrocities of the Marcos martial law regime and the political rehabilitation of the Marcoses. He spoke out on the dangers of the Human Security Act (anti-terror law) and its impact on civil liberties and people’s rights,” saad ng Karapatan.

Kamakailan lang din, Setyembre 2019, isa si Ka nene sa mga resource person ng Commission on Human Rights Public Inquiry tungkol sa pang-aatake laban sa mga human rights activist.

“[H]e staunchly asserted that no one should be persecuted for defending human rights,” kwento ni Palabay.

Namatay ang dating Senate President ngayong Linggo ng umaga sa edad na 85 dahil sa sakit na lymphoma o cancer sa immune system, ayon sa anak nitong si Senador Koko Pimentel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?