2,064

By

Karapatan ang pagmumura – Zubiri

Sharing is caring!

Maaari umanong makuwestiyon ang legalidad ng ordinansa sa Baguio City na nagbabawal sa pagmumura sa lungsod.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, ang pagmumura ay bahagi ng karapatan na malayang makapagsalita at makapagpahayag.

Posibleng aniya itong maituring na ‘immoral’ pero hindi ito dapat na ituring na iligal.

“I don’t know if they can actually ban cussing kasi under the Constitution, we have the constitutional right to freedom of speech,” sabi ni Zubiri.

“It may be immoral to curse or to cuss, but it’s the right of every Filipino person to do so if they want,” dagdag niya.

Agad naman niyang nilinaw na hindi niya sinasabing imoral ang Pangulo na siyang malimit na magmura.

“May I clarify lang. Baka sabihin ninyo ‘yung pagmumura ni presidente eh immoral sabi ni Migz. Wala akong sinabing ganyan ha,” pahabol nito.

Aniya, sanay na siya at ang mga tao sa Mindanao sa pagmumura ng Pangulo at karaniwan din daw ito sa mga lokal na opisyal ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?