81

Nov 1, 2018 @ 17:11
By ,

Karanasan sa PH team bentahe ni Shaq sa Petron

Naging isang malaking advantage para Petron Blaze Spikers ni head coach Shaq Delos Santos ang paghawak niya sa national women’s volleyball team.

Si Delos Santos ang tumayong coach ng national women’s volleyball team na sumabak sa 2018 Asian Games sa Indonesia at 2018 AVC Cup sa Thailand at sasabak din ito sa 2019 Southeast Asian Games.

“Lucky din kami na si coach Shaq (delos Santos) ‘yung nag-national team coach. Lahat ng natutuhan niya sa Japan siyempre shine-share niya sa amin at malaking bagay talaga na nate-train kami ni coach Shaq before ng All-Filipino,” wika ni Ces Molina.

Para kay coach Shaq, mas kailangan nilang magtrabaho at mapanindigan na sila ang defending champion ng All-Filipino Conference.

“For us, I think paghahandaan, pag-iingatan pero in a way na alam namin na nasa right track kami at kailangan talaga double effort pa, seryosohin ang lahat. Pero dapat napi-feel din namin na nag-eenjoy kami,” sabi ni Delos Santos.

Sa unang pagsalang ng kanyang tropa sa All-Filipino Conference ng PSL, agad na nakasikwat ng panalo ang Petron nang padapain nito sa tatlong magkakasunod na set ang Cocolife, 25-18, 25-15, 25-18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?