140

Nov 22, 2021 @ 11:31
By

Karanasan ni Marcos Jr. nagpa-oo kay Mayor Sara

Binuking ni vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Linggo na pumayag siyang maka-tandem si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. dahil sa malawak nitong karanasan sa politika.

“Bakit si Bongbong Marcos ang pinili kong partner? Unang-una, he’s a former governor. Walang pwedeng kumwestyon sa kanyang experience as governor. Parang ako, mayor. Local chief executive. Pangalawa, may experience siya sa House of Representatives. Naging congressman siya,” saad ni Mayor Sara sa gitna ng kanilang caravan ni Marcos sa Davao del Norte.

“Pangatlo, naging senador siya. Pinili ninyo, binoto ninyo. Naniniwala ako, and I confidently believe na ang kanyang experience: gobernador, congressman, senador — ito ang tutulong sa kanya para magampanan niya ang kanyang trabaho bilang Pangulo ng Pilipinas,” dugtong pa ng vice presidential aspirant mula sa Lakas-CMD.

Tinatawag ding ‘uniteam’ ang tambalang Marcos Jr. at Mayor Sara.

Sa kabilang dako, ang ama ni Mayor Sara na si Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi namang wala siyang bilib sa abilidad ni Marcos.

“Because andiyan si Marcos, e. Hindi ako bilib . He is a weak leader. Totoo ‘yan, ‘di ako naninira. Kasi spoiled child, only son,” wika ng pangulo. (mjd)
Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?